ang kuwentong ang kwintas ba ay isang halimbawa ng kuwentong tauhan?

Sagot :

Oo, ang kuwentong Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant ay isang halimbawa ng kwentong tauhan.

Sa kuwentong tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

- Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa. (Si Mathilde ang pangunahing tauhan sa Ang Kuwintas)
 
- Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng ano mang nangingibabaw na ideya o ng mga kabuluhan sa kuwento.

- Nangingibabaw rito ang isang masusing pag- aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha. 

- Sa pamamagitan na rin ng tauhan nagkakaroon ng pinakamabisang paglalarawan ng katauhan at maipakikita ito sa kaniyang reaksiyon o saloobin sa isang tiyak na pangyayari. panloob na anyo – ang isipan, mithiin, damdamin panlabasnaanyo – pagkilos at pananalita.