ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na sina quasimodo,claude frollo,la esmeralda at phoebus na masasalamin sa nobelang ang kuba ng notre dame.?

Sagot :

Ang Kuba ng Notre Dame

Sa kuwentong Ang Kuba ng Notre Dame ay nagkaroon ng iba't ibang wakas ang mga tauhan dito. Ang ilang pangunahing tauhan dito ay sina

  1. Si Quasimodo, Clade Frollo at La Esmeralda na nangamatay
  2. Si Phoebus ay nagpakasal

Ang iba't-ibang kahihinatnan ng mga tauhan

Sa kuwento, Si Quasimodo ay sinasabing namatay dahil natagpuan ang kalansay ng isang kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda. Si Claude Frollo naman namatay sapagkat inihulog siya ni Quasimodo mula sa tore dahil akala nito ay pinatay niya si La Esmeralda.  Namatay din si La Esmeralda. Ibinitay siya ni Claude Frollo sapagkat ayaw siyang mahalin nito. Si Phoebus ay patuloy ang pagpapakasal sa isang babae matapos pagtangkaan ang buhay nito ng isang di-kilalang tao nang minsang nagtagpo sila ni La Esmeralda.

Sino ang kuba sa kuwento ng Ang Kuba ng Notre Dame? Basahin sa https://brainly.ph/question/2260230.

Ang Aral

Masasalamin sa kuwento ng Ang Kuba ng Notre Dame na ang bawat tao ay may kalayaang magpasya sa buhay pero ang kahihinatnan nito ay hindi laging sa inaasahan. Ang Bibliya ay nagsasabi ng ilang kalagayan ng buhay. Alamin ang ilan dito:

  • “Hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.”—Santiago 4:14.
  • “Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan, . . . dahil lahat sila ay  naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.”—Eclesiastes 9:11

Basahin ang buo ng kuwento ng Ang Kuba ng Notre Dame sa https://brainly.ph/question/200729.

Saan posibleng naganap ang kuwento ng Ang Kuba ng Notre Dame? Basahin ito sa https://brainly.ph/question/211801.