Ang tradisyunal na ekonomiya o pangangalakal ay uri ng sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapagalaw at isinasagawa ang kalakalan na nakaayon sa mga tradisyon, paniniwala, at pamahiin ng mga tao o isang pamayanan. Kadalasan na mga ekonomiyang nakabatay sa rural at pagsasaka ang gumagamit nito.
Isang halimbawa ay ang Pilipinas, na sa kabila ng maunlad na teknolohiya, ay balot pa rin ng pamahiin ang pangangalakal. Isa ng halimbawa dito ay ang pagpapalit ng mga produkto para isang produkto o serbisyo na may maliit na tubo.