ano ang sukat ng tulang ang tinig ng ligaw na gansa

Sagot :

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa 
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi, 
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Makikita sa itaas ang buong tula ng "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa". Malinaw na hindi pantay ang sukat ng tulang ito dahil hindi magkakatulad ang bilang ng pantig na matatagpuan sa bawat taludtod. Mayroong sisiyamin, wawaluhin at lalabindalawahing sukat.