Sagot :
Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa
mga hikayat , isang akdang romantiko sa
tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-unlad ng modernong kathang
Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul Kadir Munshi (1797-1856). Sa
kanyang paglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya ang kanyang mga
personal na obserbasyon atkritisismo ukol
sa tradisyonal at kontemporaryong lipunang Malay. Ang pinagsamangindibidwalismo
at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay.
Bagonoon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipe’t prinsesa sa mga
makalangit na kaharianang mga namayaning katha. Noong mga 1920-1930, unang
nalathala ang mga nobela’t maikling kuwento. Sa simula, walang layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo
o pagkintal ngmabubuting aral. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas ’50
na nagpasiglasa klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at
eksperimentasyong pampanitikan. Naging islogan ng Asas ’50 ang “Sining para sa
Lipunan.” Bagaman patuloy na sumulat angmga manunulat ukol sa mga
suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspektong
pagsusulat.Ang Kuala Lumpur ang naging
sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada60. Hindi nalalayo sa ating
Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan Pustaka
sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng
parangal ang mga kathang batikang
manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sinaShahnon
Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ngbuhay ng mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang
pananaw at sa paraan ngpagsasalaysay
sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisaniyang
nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa karanasang Malay.