ano ang supernatural na kapangyarihan tungkol sa Indarapatra at sulayman?

Sagot :

Answer:

Indarapatra at Sulayman

Ang Indarapatra at Sulayman ay isang epiko na nagmula sa Mindanao. Dahil sa natural na katangian ng mga epiko, hindi nakapagtatatakang maraming supernatural o kamangha manghang kakayahan ang mga mga pangunahing tauhan nito. Kadalasan, ang mga kapangyarihang ito ang siyang nagbibigay aliw at kulay sa mga epiko na ating nababasa.

Ang ilan sa mga supernatural na kapangyarihan sa epiko na Indarapatra at Sulayman ay:

  1. Isa na rito ay ang nakakapagsalitang sibat na si Hinagud. at marunong makipaglaban kahit walang taong gumagamit nito.
  2. Ang pagkakaroon ng halimaw na may maraming mga paa at kumakain ng tao at ang halimaw na ibon na may  pitong ulo na nangagain ng tao.
  3. Ang mahiwagang kris na si Jur Pakal na agad nananaksak kapag nakakakita ng kalaban kahit hindi mo pa utusan.
  4. Ang muling pagkabuhay ni Sulayman ng painumin ito ni Indarapatra ng tubig na bumulwak mula sa tabi nito ng ito ay mamatay.
  5. Ang apat na salot na tinalo ng kapatid ng hari na si Prinsipe Sulayman
  6. Ang sibat ni Emperador Indarapatra na matapos niyang ihagis sa kaaway ay bumabalik sa kanya.
  7. Ang kakayahan nilang talinin ang lahat ng mga mga dambuhalang halimaw sa Mindanaw ay isa-isa rin nilang pinatay.

Ang apat na salot na kamangha mangha rin sa kwento ay sina:

  • Kurita, ang hayop na mayroong maraming paa at kayang kainin nang isahan ang limang tao
  • Tarabusaw, anyong tao na nangangain ng tao
  • Pha, ang ibon na may kakaibang laki na siyang nakapagpapadilim ng bundok
  • Kurayan, isang ibong may Pitong ulo

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa epiko na Indarapatra at Sulayman, sumangguni sa mga sumusunod na links:

Pangunahing tauhan sa Indarapatra at Sulayman

https://brainly.ph/question/392492

Ilarawan ang tagpuan sa Indarapatra at Sulayman

https://brainly.ph/question/1679097

Ano ang buod ng Indarapatra at Sulayman

https://brainly.ph/question/877815

Ano ang katangian ni Indarapatra at Sulayman

https://brainly.ph/question/721108