Ano ang 3 datos at 3 pinuno sa maurya gupta at mogul

Sagot :

Ang Imperyong Maurya, Gupta at Mogul

Ang Timeline ng Imperyo ng Maurya

  1. Ang Imperyo ng Maurya ay ipinapalagay na itinatag ni Chandragupta Maurya noong 322 B.C.E.
  2. Ang anak niyang Si Bindusara ang pumalit sa kaniya noong 301 BCE.
  3. Pagkatapos ng 32 taon ng pamamahala ni Bindusara, ipinagpatuloy  ni Asoka ang pamumuno sa imperyo.

Basahin ang higit na detalye kay Chandragupta Maurya sa https://brainly.ph/question/1674859.

Ang Timeline ng Imperyo ng Gupta

  1. Ang Imperyong Gupta ay itinatag ni Chandragupta I.
  2. Sumunod na namuno ay ang anak ni Chandragupta I na si Samudragupta na dahilan kung kaya't lumawak ang teritoryo nito patungong Talampas ng Deccan.
  3. Para sa mga historyador, ito ang kinikilalang "Gintong Panahon" ng pamamahala sa India.

Alamin ang pag-usbong ng India sa https://brainly.ph/question/63219.

Ang Timeline ng Imperyo ng Mogul

  1. Ang mga Muslim ang tumawag dito bilang Imperyo ng Mogul.
  2. Ito ay pinamunuan ng dakilang Akbar. Siya ang dahilan kung kaya't naging balanse ang turingang Indus at Muslim.
  3. Bumagsak ang imperyong ito at nang maglaon ay naging subcontinent ng mga bansa sa Europeo.

Ang India ang isa sa naging espesyal sa mga taga- Europeo. Bakit? Alamin sa https://brainly.ph/question/256974.