Mga Batayang Kaalaman at mga Teorya ng Diskurso



Sagot :

Ano ang DISKURSO?

• Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon

Ang kumbersasyon ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang saysay na usapan.

• Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa pasalita man o pasulat.
• Isang halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o "Thesis"


Konteksto ng Diskurso
• Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
hal.Kontekstong Interpersonal - usapan ng magkaibiganKontekstong Panggrupo - pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaralKontekstong Pang-organisasyon - memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote)Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botanteKontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEANKontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa.

Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon.
Pansinin na laging may kontekstong interpersonal kahti sa loob ng panggrupo at organisasyunal. Ang kontekstong pangkasarian naman ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto.
Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinnararaanan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskuro sa kontekstong interkultural.
(sa kahit anong kontekstong gamitin, laging magagamit ang interpersonal)