Naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa
noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay
nangangalakal sa Tsina at Indiya, ang
kapuluan ng Indonesia. Ang mga
katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at
modelong pampolitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap ang Hinduismo at
Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga
makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal
na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga
makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para
monopolisahan ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon
ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa
ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo,
at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng
panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.