Maraming magagandang naidulot sa buhay
ng mga taga-Ehipto ang Ilog Nile. Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay
handog ng Nile. Walang Ehipto kung walang Nile. Ang Ehipto ay umunlad bilang
isang lupain sa tulong ng Ilog Nile. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa
ang mga taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang
mahalagang aspeto ng Ilog Nile.
Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano
ay maraming naiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya,
arkitektura, at relihiyon. Kabilang na dito ang ang hiroglipiko o paraan ng
pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sa kabilang-buhay, at ang
kahanga-hangang piramide.
Ang kabihasnan ng Ehipto ay may malaking bahagi ng
kasaysayan ng mundo.