Dahil sa magandang klima at matabang lupa, umunlad ang
sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at
halos binubuo ng disyerto maliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga
taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang
aspeto ng Ilog Nile ay ang hanging umiihip dito na tinatawag na Hanging
Extensian na nanggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at
pasalungat sa agos ng ilog. Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain.
Bukod
dito, sila ay mahusay sa mga gawang-kamay tulad ng platero, manggagawa ng
palayok, manghahabi, at karpintero.Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka
at pagpapastol. Ang barley, trigo at sari-saring mga gulay ang kanilang mga
pananim. Nagmimina din sila ng tanso. Bumugso ang pagpapatayo ng mga kanal at
daan sa panahong ito, ngunit dahil sa mataas na buwis, nag-aslsa ang mga
Ehipsyano dahilan ng pagbagsak ng kaharian.