Ano ang tatlong mahahalagang bagay sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na naninirahan sa Timog Asya?

Sagot :

           Walang kalayaan ang babaing Indian sa panahong ito, ngunit mayroon silang karapatang magmay-ari ng negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa kanilang mga anak. Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa at dapat mamauhay nang simple hanggang sa kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing ng asawa na tinatawag na suttee. Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa mga mag-aaral ang mga Veda.  Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan. Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa karera ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal. Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan. Ang pangunahing hanapbuhay noon ay pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng araro at asarol.