Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of Enlightenment sa Europe. Kilala rin ang bansa sa hindi maitatatwang kagandahan ng estruktura ng mga gusali. Kakambal ng kagandahan ng bansa ang kagandahan ng kanilang panitikan. Hindi mabilang na aklat at nobela ang naisulat sa France na likha ng itinuturing na mga tanyag sa pagsulat ng panitikan.
Isinulat ni Victor Hugo ang nobela upang makita ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan mula sa akdang ito. Binibigyang-pansin rin dito kung paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.