Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?

Sagot :

Ang kabihasnang Ehipsyo, na siyang umusbong sa Ehipto sa tabi ng Ilog Nilo, at ang kabihasnang Mesopotamia, na siya namang umusbong sa ilog ng Tigris-Euphrates ay maraming pagkakatulad at pagkakaiba.

 

Pagkakatulad:

 

1.  Parehong umusbong sa tabi ng mga ilog.

2.  Parehong umunlad sa pamamagitan ng paggamit ng mga rekursong dala ng mga ilog, tulad ng matabang lupa.

 

Pagkakaiba:

 

1.  Sa Aprika umusbong ang mga Ehipsyo habang nasa Gitnang Silangan o Kanlurang Asya naman umusbong ang kabihasnang Mesopotamia.