Sagot :
Ang hinaharap ng mga tauhan ng kwentong Ang Kuba ng Notre dami na sina
- Quasimodo
- Claude Frollo
- La Esmeralda
- Phoebus
- Quasimodo
Hinaharap niya ay ang labis na pangungutya ng mga tao dahil sa kanyang mga kapintasan na pagiging kuba at pagkakaroon ng malaking bukol sa mukha ay binansagan siyang Ang Papa ng kahangalan, kinakaharap din niya ang labis na pagmamahal na nararamdaman niya kay La Esmeralda,iniibig niya ang babae sapagkat ito lamang ang tanging lumapit sa kanya noong panahong siya ay pinaparusahan na nag abot ng tubig na kanyang maiinom.
- Claude Frollo
Sa kabila ng kanyang pagiging alagad ng diyos ay labis ang paghanga at pagnanais niya na mapasakanya si La Esmeralda kaya naman ginawa niya ang lahat para ito ay mapasa kanya ngunit hindi siya nag wagi dahil di siya magawang ibigin ni La Esmeralda mas ninais pa nitong mamatay kesa ang mapasa kamay niya at labis niya itong ikinagalit.
- La Esmeralda
Ang isang mananayaw na kinakaharap ang pangungutya ng ilang tao dahil sa kanyang trabaho bilang isang mananayaw, Dahil sa itim na mahikang ginamit ni Frollo upang siya ay mapasakanya ay naparusahan siyang mabitay sa salang ibinintang sa kanya,
- Phoebus
Ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa Paris, Hindi naman talaga niya tunay na iniibig si La Esmeralda sinubukan lamang niya itong akitin at paibigin gayundin ang ginagawa niya sa iba pang mga kababaihan, inibig siya ni Esmeralda ngunit iniwan na niya ito ng ito ay maharap na sa parusang di naman talaga nito ginawa.
Ang kwento ng ang kuba ng notre dame ay sumasalamin sa ibat-ibang pag uugali at kapintasan ng mga tao,dahil nakapaloob dito ang pangungutya ng mga tao sa pangunahing tauhan sa kwento na si Quasimodo ang pang lalait at pang aalipusta sa taglay nitong kapangitan at kapintasan, Ang karakter ng isang pari na nag nanasa sa isang magandang dalaga na gumamit pa ng itim na mahika upang ito ay mapasa kanya, sa kabila ng lahat sumasalamin din naman ang kwento sa pagiging matiisin at may utang na loob ng isang tao ito ay makikita sa katauhan ni Quasimodo ng akuin niya ang kasalanan ng taong umampon sa kaniya, ang pagtitiis niya sa pangungutya ng mga tao sa kanya. st ang wagas na pagmamahal niya kay La Esmeralda.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Buod ng kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/200729
Suring basa sa ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/423643
Sino sino at paano mag isip ang Mga tauhan sa ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/193750