Ang water clock o orasang tubig sa panahon ng Mesopotamia ay ang kanilang ginagamit upang matukoy ang oras ng isang araw sa pamamagitan ng paggalaw ng tubig sa loob nito. Katulad ng mga sundials,isa ito sa mga pinakaunang kasangkapan na ginamit ng mga katutubo sa pagtukoy ng oras. Ang kauna-unahang orasang tubig ay pinaniniwalaang nagmula sa Babylonia at Egypt noong ika-labing-anim na siglo.