Sagot :
Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng
pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa
Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon
pa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-Mesoamerica ang
nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang
kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.
Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangitanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang Olmec (1500-500 B.C.E.) Ang kauna-unahang umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec. Ang katagang olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kaunaunahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma. Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala. Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China labi ng kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.