Anu-ano ang mga Pamantayan sa Pamimili at ilarawan ang mga ito

Sagot :

Ano nga ba ang pamantayan sa pamimili tayo bilang isang mamimili ay nais nating tayo ay maging matalinong mamimili dahil gusto natin na ang bawat sentimo na ating  gagastusin ay maging sulit sa bagay na ating bibilihin.

Ang mga pamantayan sa pamimili

  1. Ang pagiging mapanuri
  2. May Alternatibo o Pamalit
  3. Ang mamimiling hindi nagpapadaya
  4. Makatwiran
  5. Ang mamimiling sumusunod sa budget
  6. Ang mamimiling hindi nagpapanic buying
  7. Ang mamimiling hindi nag papadala sa anunsyo

Ang mga paglalarawan sa pamantayan ng pamimili

  • Mapanuri

ang mamimiling mapanuri ay sinusuri ng mabuti ang mga produktong kanyang bibilhin, kailangan na tingnan kung ano ang mga sangkap ng mga produktong iyong bibilhin gayon din ang presyo, timbang at maging ang pagkakagawa nito. ang mapanuring mamimili ay inihahambing ang mga produkto sa isa't-isa upang makita ang mas mabuti at mapili ang produktong sulit ang ibabayad.

  • May Alternatibo o Pamalit

Ang matalinong mamimili ay marunong humanap ng pamalit o mga panghalili sa mga produktong dati ng binibili, dahil kung minsa ay may mga panahong tayo ay kinakapos sa pera, o di kaya naman ay may mga panahon na nababago ang kalidad ng mga produkto na dati na nating binibili.

  • Hindi nagpapadaya

Ang isang matalinong mamimili ay kailangan na laging alerto, mapagmasid sa maling gawain dapat katulad ng pang dadaya sa sukli at pagtitimbang, dahil kung minsan tayo ay mapapatapatsa mga tendera o tenderong mapanglinlang.

  • Makatwiran

Ang isang mamimili ay makatwirang kung ang mga importanteng bagay ang una niyang bibilihin kesa sa mga luho lamang, lahat tayo ay nakararanas ng kakulangan sa budget kung minsa kya naman sa pagpili ng produkto na ating bibilihin dapat ay isasaalang alang nain ang presyo at kalidad nito.

  • Sumusunod sa Budget

Ang isang mamimili ay kailangan na tinitimbang niya ang mga bagay bagay ayon sa kanyang budget dapat ay hindi nagpapadala sa popularidad o kasikatan ng isang produkto  na may mataas na presyo upang ang kaniyang  salapi ay sumapat sa kanyang mga pangangailangan.

  • Hindi Nagpapanic-buying

Hindi kinakabahan ang isang mamimili sa tinatawag na hoarding o iyong pagtatago ng mga produkto upang ang presyo nito ay mapataas, bilang isang matalinong mamimili ay hindi ka dapat mabahala sa ganitong sitwasyon sapagkat alam mong pag magpapadala sa ganito ay lalo lamang magpapalala sa sitwasyon.

  • Hindi nag papadala sa anunsyo

Ang matalinong mamimili ay ang kalidad ng isang produkto ang tinitingnan hindi ang magandang pag indurso sa produkto ng mga sikat na artista.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Ano ang 8 karapatan ng mamimili and 5 pananagutan ng mga mamimili?  https://brainly.ph/question/802983

8 karapatan ng mamimili? https://brainly.ph/question/376685

Paanu ba imaging responsableng mamimili https://brainly.ph/question/1916308