Halimbawa ng suring basa sa akdang panitikan ng Mediterranean.
Cupid At Psyche
Ang Mitolohiyang ito ay sumasalamin sa mga paniniwala ng sinaunang Griyego at Romano tungkol sa mga diyos at diyosa ng Olympus. Makikita dito na ang Griyego at Romano ay may maliit na pagkakatulad tungkol sa mga batas ng mga sinaunang diyos at diyosa. Ang mensahe sa kwento ng pag-iibigan ni Cupid at Psyche ay napakagandang ehemplo sa lahat. Ang mensaheng "walang buhay ang pag-ibig kung walang tiwala" ay isang malinaw na paksa sa kwentong ito. Ang pagtahak at pagtanggap sa mga pagsubok upang muling makapiling ang kanyang minamahal ay isa ring magandang bagay na dapat malaman ng mambabasa.