Anu magagawa ko upang maipakita ang pagmamahal sa nakakatanda

Sagot :

Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.
Mahalin mo lang sila. Dahil kung totoo mong mahal ang kapwa o kapamilya mong nakakatanda ay natural lang o likas lang na uusbong sa'yo ang respeto mo sa kanila at kusa ka nalang gagawa ng mga bagay na magpapakita ng paggalang, pagrespeto, pagmamahal, pag'aaruga, pagkalinga at kung ano pang mabuti sa kanila.