ano ang kapakinabangan ngayon ng mga ambag ng kabihasnang indud at panahong vedic

Sagot :

         Ang Panahong Vediko ay isang panahon ng kasaysayan na ang Vedas na pinakamatandang mga kasulatang relihiyoso ng Hinduismo ay nilikha. Ang tawag sa panahong ito ay hango sa salitang Vedas na nangangahulugang "karunungan" sa panahong ito maraming mga Indo-Aryan ang naging mga magsasaka at natutong mamuhay sa mga pamayanan. Ang saklaw ng panahon nito ay hindi matiyak. Ang ebidensiyang pilolohikal at linguistiko ay nagpapakita na ang Rig Veda na pinakamatanda sa mga Vedas ay tinatayang nilikha sa pagitan ng 1700 BCE at 1100 BCE na tinatawag ring simulang panahong Vediko.
            Ang isa sa mga naiambag ng kabihasnang Indus aysewerage system ng Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mgapamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.
           Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman. Sa larangan naman ng panitikan ang naging pamana ng kabihasang ito ay ang dalawang epiko. Ito ay ang Ramayana at Mahabharata.