Isa sa mga halimbawa ng alamat ng Indonesia ay ang "Rara Jonggrang : Alamat ng Simbahan ng Prambanan". Ang alamat ay tungkol sa isang magandang babae na si Rara Jonggrang na gustong mapangasawa ng isang mandirigmang si Banduwasa ang pumatay sa kanyang ama. Dahil sa takot ay pumayag si Rara na maging asawa ni Banduwasa sa isang kondisyon, kailangan nitong gumawa ng isang libong simbahan at dalawang balon. Pumayag si Banduwasa at tinawag ang mga kampon upang gumawa ng mga simbahan kaya't malapit na silang matapos sa hatinggabi pa at natakot si Rara. Tinawag ni Rara ang kanyang alalay at inutusan na utusan ang lahat ng mga kaibiga nito na magsiga ng mga dahon, magkalat ng bulaklak sa daan upang magmukhang umaga na. Hindi nga natapos ni Banduwasa ang panghuling simbahan ngunit napagtanto niyang dinaya siya ni Rara kung kaya't pinarusahan niya ito at ginawang estatwa. Iyon ang estatwa sa simbahan ng Prambanan.