abala kahulugan diksyunaryo


Sagot :

Marami ang kahulugan ng abala sa diksyunaryo. Ang abala ay maaaring gamitin bilang pangngalan, pandiwa, o di kaya nama'y pang-uri. Bilang isang pangngalan, ang salitang abala ay nangangahulugang gawain o tungkulin. Bilang isang pandiwa, ang salitang abala ay nangangahulugang pag-antala o paggambala. Panghuli, bilang isang pang-uri, ang salitang abala ay nangangahulugang maraming inaasikaso o okupado.

Kahulugan ng Abala sa Diksyunaryo

Ang kahulugan ng abala sa diksunaryo ay tatlo dahil ito ay maaaring gamitin bilang pangngalan, pandiwa o pang-uri. Narito ang mga kahulugan nito:

  1. abala (pangngalan) - isang bagay na tumutukoy sa gawain, responsibilidad o tungkulin
  2. abala (pandiwa) - akto ng pag-antala, paggambala, o pagbibigay ng oras sa isang gawain
  3. abala (pang-uri) - pagiging okupado o ligalig

Mga Halimbawang Pangungusap

Narito ang halimbawa ng mga pangungusap gamit ang salitang "abala":

  • Salitang abala bilang pangngalan: Ang pagkuha ng lisensya pagkatapos mahuli ng MMDA sa daan ay isang abala sa mga drayber.
  • Salitang abala bilang pandiwa: Huwag ka nang mag-abala na maghanda ng tanghalian. Kami ay busog pa.
  • Salitang abala bilang pang-uri: Si Jomarie ay abala para sa kaarawan ng kanyang bunsong anak.

Iyan ang mga kahulugan ng abala sa diksyunaryo. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Mga halimbawa ng pandiwa at pang-uri: https://brainly.ph/question/1866739
  • Ano ang pandiwa at pang-uri? https://brainly.ph/question/327253
  • Mga bahagi ng pananalita kagaya ng pandiwa, pang-uri at pangngalan: https://brainly.ph/question/987035