Answer:
Ang epiko ay isa sa mga klase ng literatura na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Madalas, ang mga taugan ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma ang karaniwang paksa ng mga epiko.
Ang isa sa mga kilalang epiko ay ang Epiko ni Gilgamesh na nagmula sa Mesopotamia. Ito ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit , Shūtur eli sharrī (“Surpassing All Other Kings”).
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Epiko ng Gilgamesh, sumangguni sa mga sumusunod na links:
Lahat ng tauhan ng Epiko ng Gilgamesh
https://brainly.ph/question/852667
Opinyon sa Epiko ng Gilgamesh
https://brainly.ph/question/445427
Sino si Gilgamesh
https://brainly.ph/question/918755