ano ang pagkakaiba ng bahay sa tahanan

Sagot :

Ang bahay (house)ay istrukturang gawa ng tao. Ito ay maaring gawa sa kahoy o semento. Ito ay may ibat ibang silid tulad ng: hapag-kainan, tulugan, tanggapan ng bisita, paliguan, kusina at iba pa.

Samantalang ang tahanan (home), ito ay istrukturang gawa ng tao na pinamamahayan ng pamilya na puno ng pagmamahal at kasiyahan.  Ang tahanan ay bahay na may nakatira, karaniwan ay mag-anak, na may nanay, tatay at mga anak.