Sagot :
Bayani ng Bukid
Sagot:
Ang tulang bayani ng bukid ay tungkol sa mga gawain ng isang magsasaka sa araw-araw. Tumatalakay din ito sa mga bagay na tinitiis ng isang magsasaka sa maghapong pagpapagal. At kung paano sila nakatutulong sa ating bansa. Inilalarawan ng tula ang mga bagay na makikita sa kapaligiran ng isang magsasaka, at ang kaligayahang dulot ng mayamang ani.
Ang magsasaka ayon sa paglalarawan ng tula ay kailangang tiisin ang mga sumusunod:
- Init ng araw sa tuwing tag-init
- Lamig ng ulan sa tuwing tag-ulan
- Maagang paggising sa araw-araw
- Matinding pagod ng katawan
Ang mga magsasaka ay sadyang nagtitiis at pilit na bumabangon upang masiguro na ang mga tao ay di magugutom. Isa silang bayani na maituturing na ang tanging sandata ay araro at tatag ng katawan na mahirap at mayaman ay nakikinabang. Kaligayahan nila na isipin na sa kanilang mga ani ang bansa’y napapakain. Nasisiguro na ang lahat ay di gugutumin.
Ang sipag at tiyaga ng isang magsasaka ay di natatapos sa kanyang bukid. Sa kanyang bakuran ay makikita pa rin ang bunga ng kanyang sipag at tiyaga.
Makikita dito ay:
- Prutas
- Gulay
- Mga hayop pang bukid na nagbibigay pa rin ng pagkain.
Ang mga magsasaka ay di biro ang pagod upang masiguro na ang lahat ay di magugutom. Kayat dapat lang na sila ay ipagmalaki ituring rin na isang bayani. Dahil kapag sila ay din a nagtanim walang pagkain na aanihin.
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Kahulugan ng bayani ng bukid: https://brainly.ph/question/416677
Ano ang nilalaman ng bayani ng bukid at sukat, tugma at talinghaga ng bayani ng bukid: https://brainly.ph/question/196986
Bayani ng bukid, bakit itinuturing na bayani ang mga magsasaka?: https://brainly.ph/question/855784