Sagot :
Ang sinaunang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Egyptian ay ang hieroglyphics. Ang sinaunang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Egyptian na ito ay ang naging mahalaga dahil ginamit ito ng mga tao noon upang makipagkalalakalan at upang maisulat ang mga kaganapan noong unang panahon. Dagdag pa rito, ang kahulugan ng "hieroglyphics" sa Wikang Griyego ay "sagradong ukit".
Sinaunang Sistema ng Pagsulat sa Kabihasnang Egyptian
- Ang hieroglyphics ay ang sinaunang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Egyptian.
- Ito ay ang ginamit ng mga tao noon para sa kalakalan at pagtala ng mga mahahalagang kaganapan noong mga panahong iyon.
- Ang kahulugan ng "hieroglyphics" sa Wikang Griyego ay "sagradong ukit".
Ang Kabihasnang Egyptian
Bukod sa hieroglyphics, narito ang tatlo pa sa mga naging ambag ng Kabihasnang Egyptian.
- pagtuklas ng papel galing sa dahon ng papyrus
- sistema ng pag-eembalsamo (ito ay may kaugnayan sa mga mummy)
- ginawa ang unang araro sa panahong ito
- paggawa ng mga malalaking imbakan ng tubig na nakatulong tuwing tagtuyot
- pagkakaroon ng Amarna art na wari'y totoo ang mga bagay na nasa mga larawan
Iyan ang mga detalye ukol sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Egyptian. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Paano nagsimula at nagwakas ang Kabihasnang Egypt: https://brainly.ph/question/250801
- Ano ang Kabihasnang Egypt? https://brainly.ph/question/111051 at https://brainly.ph/question/241010