Ilan sa mga alamat sa Singapore ay ang "Alamat ni Singapura" ang pinagmulan ng salitang Singapore. Sinasabing ang Singapore ay ipinangalan mula sa Singapura na ang ibig sabihin ay siyudad ng mga leon. Isa pang alamat sa Singapore ay ang " Alamat ng Pulau Ubin" kung saan sinasabing ang lugar ay nagmula sa pinagsamang katawan ng baboy at elepante na bigong tumawid sa baybayin ng Johor kaya't naging bato na ngayon ay Pulau Ubin. Ang alamat ng Pulau Blakang Mati ay galing din sa Singapore.