Sino Ang May Akda Ng Kung Bakit Nasa Ilalim Ng Lupa Ang Ginto

Sagot :

Ang  alamat na pinamagatang "Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto" ay maaaring isinulat ng isang katutubo mula sa Baguio sapagkat ito ay isang alamat na nanggaling doon. Ito ay alamat tungkol sa isang tribu na biniyayaan ni Bathala ng isang puno na namumunga ng ginto kung saan malaya at madali lamang nilang pitasin ang mga bunga nito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting naging ganid ang mga tao sa lugar at binalak pagpuputul-putulin ang puno. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal ni Bathala ngunit sinuway nila ang utos ni Bathala kung kaya't nilamon ng lupa ang puno. Iyon ang simula ng pagmimina upang makakuha ng ginto.