Ano Ang Kahalagahan Ng Lipunang Sibil Sa Lipunan?

Sagot :

Ang lipunang pambayan, lipunang makabayan o lipunang sibil ay ang pook na nasa labas ng mag-anak, ng estado, at ng pamihilian kung saan nakikipag-ugnayan ang mga tao upang mapasulong ang karaniwang mga adhikain o mga layunin. Paminsan-minsan itong itinuturing na nagsasangkot ng pamilya at mga pribadong baluwarte at pagkaraan ay tinutukoy bilang "pangatlong sekto" ng lipunan, na kaiba mula sa pamahalaan at negosyo. Binigyan ito ng kahulugan ng 21st Century Lexicon ng Dictionary.com bilang (a) kabuoan o pagsasama ng mga organisasyong hindi pampamahalaan at mga institusyon na nagpapahayag ng mga kagustuhan at kapasyahan ng mga mamamayan, o (b) mga indibidwal at mga organisasyon na nasa loob ng isang lipunan na hindi umaasa sa pamahalaan.