Ang mga lalawigang bumuo sa Persia ay tinatawag na satrap. Ang salitang satrap ay ginagamit din sa makabagong panitikan na tumutukoy sa mga pinunong naiimpluwensiyahan ng mga mas malaki ang makapangyarihang organisasyon. Ang salitang satrap ay mula sa salitang Persya na xsacapavan na ang ibig sabihin ay
tagapagtanggol ng mga lupain . Ang malalaking "satrapies" o mga lupain ay nahahati sa maliliit na mga distrito at ang pagpapangkat-pangkat
ng mga satrap na ito ay maaaring baguhin ng kani-kanilang mga pinuno.