paano ilalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang egyptian.

Sagot :

          Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of theNile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ngAfrica. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwingHulyo bawat taon. Ang pagbahangi dinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong1970 nang maitayo ang Aswan High Damupang makapagbigay ng elektrisidadat maisaayos ang suplay ng tubig. Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka salambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwanng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta.  Ang lugar na ito ay nagging tahanan ngmga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
             Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mgasinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mgakanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitongmga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapatna teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailanmagaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.