Ang liwag o kabagalan ng bansa
ay makikita sa maraming aspeto. Pinakahalata at pinakapansin-pansin sa lahat ay
ang sistema ng hustisya. Ang kabagalan ng proseso sa pagkalap ng ebidensiyang
maaaring magbibigay linaw sa totoong nangyari ay napakabagal dahilan ng
pagkakulong ng walang-sala o pagkalaya ng totoong kriminal. Isa pang kakuparan
ng isang bansa ay ang pag-usbong ng ekonomiya dahil sa kurapsyon na nagdudulot
naman ng maraming kahirapan sa mga mamamayan. Ang pananamlay naman sa pagtulong
sa mahihirap ay walang dudang isa sa mga liwag ng bansa.