Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay
isang pabula na isinulat sa porma ng isang tulang may malayang taludturan. Ito
ay tungkol sa isang ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito
ay nahuli sa bitag. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig
at nang makakta ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na
ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap. Ang pain na
binanggit dito ay ang mga masasayang sandali ng pag-ibig. Ito ay nagiging pain
upang tuluyang mahulog sa pag-ibig, lingid sa kaalaman mo na ang pag-ibig ay pinaghalong
masakit at matamis na karanasan.