ano ang kahulugan ng marangya

Sagot :

Kahulugan ng Marangya

Ang salitang marangya ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na rangya. Ang kahulugan nito ay magarbo, magara, maluho o maringal. Inilalarawan ng salitang marangya ang tao, lugar o bagay na mas nakaaangat o lumalabis ang kalagayan kaysa sa iba. Ang pagiging marangya ay kadalasang iniuugnay sa mga mayayaman. Sa Ingles, ito'y flashy.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang marangya sa pangungusap para mas maging pamilyar dito. Narito ang halimbawa:

  • Pangarap ko ang magkaroon ng kasal na marangya.

  • Naiinggit ako sa marangya na buhay ng aming kapitbahay. Nabibili nila lahat ng kanilang gusto.

  • Marangya ang lugar na napili ni Karina para sa kanyang kaarawan. Malaking halaga ang ibinayad niya para rito.

  • Namumuhay nang marangya si Bruno dahil ang kanyang mga magulang ay nagttarabaho sa ibang bansa.

Kasalungat ng salitang marangya:

https://brainly.ph/question/185346

#LearnWithBrainly