Noong
unang panahon, tinatawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom o “Gitnang Kaharian.” Ito ay isang salitang Mandarin na may ibig sabihing--pangalan ng lahat ng tao sa Republika ng Tsina. Ibig sabihin nito,
naniniwala sila na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at mga kaganapan.
Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit (Son of Heaven) na namumuno dahil
sa Kapahintulutan o Basbas ng Langit (Mandate of Heaven).