ang kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng indus???

Sagot :

Answer:

Ang kabihasnang Indus  

Ang kabihasnang indus ay matatagpuan sa Timog Asya at ito ay nakasentro sa mga lambak ng  indus river. Ang Timog Asya ay isang tangway na may hugis na tatsulok. Ang Timog Asya ay binubuo ng maraming bansa kabilang dito ang bansang India. Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan.

ANO ANG KAMBAL NA LUNGSOD NA UMUNLAD SA LAMBAK-ILOG NG INDUS?

• Ang kambal ng lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng indus ay ang Harappa at Mohenjo-Daro.

• Ang dalawang lungsod na ito ay itinatag ng mga Dravidian at tinatayang umusbong noong 3,000 B.C.E

• Ito ay mayroong mga planado at malalapad na kalsada

• Ang kanilang mga tahanan at gusali ay malalawak ang espasyo at ito ay hugis parisukat.

• Sila din ang kauna-unahang gumamit ng sewerage system sa kasaysayan.

Saan matatagpuan ang Harappa?

Ang lungsod na ito ay matatagpuan sa bahagi ng Pakistan na tinatawag na Punjab na may layong 350 milya pahilaga mula sa Mohenjo-Daro.

Saan matatagpuan ang Mohenjo-Daro

Ang lungsod na ito ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng indus river.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa lungsod sa lambak ng Indus buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/71165

brainly.ph/question/419300

brainly.ph/question/814855