Ano Ano ang datos ng mogul

Sagot :

Ang Imperyong Mogul ay itinatag ni Babur noong ika-16 na siglo  nang matalo niya ang Sultan ng Delhi. Si Akbar ang nagpatibay sa imperyong Mogul dahil ang kanyang kapangyarihan ay nagdulot ng kakaibang pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga nasasakupan. Inalis ang mga kapangyarihang lokal at ibinigay sa mga piling tauhan ni Akbar. Sa panahon ni Jahangir at Shah Jahan ay higit na namamayagpag ang Mogul. Naging estadong Muslim ito sa pamamahala ni Aurangzeb. Simula noong ika-18 siglo ay naging desentralisado ang Mogul at at namuno ang mga gobernador na panlalawigan.