ano ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang dahil sa pag ibig?

Sagot :

     Ang pag-ibig ay pinaghalong sarap at hirap. May magagandang naidulot ang pag-ibig sa buhay ng tao. Isa na dito ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at pagkakaroon ng inspirasyon upang mapukaw ang sigla sa mga gawain araw-araw. Ngunit, ang pag-ibig minsan ay nagiging dahilan ng pagkalugmok,pagkasawi at pagkawala ng pag-asang mabuhay lalong-lalo na sa mga taong hindi marunong magdala.
      Samakatwid, ang pag-ibig ay may positibo at negatibong nagagawa sa buhay ng tao.