Sa tulang "Ang tinig ng ligaw na gansa", ang mga persona nito ay ang mga mamamayan sa Egypt. Ang tula kasing ito ay nagpapahayag ng natatanging kagustuhan ng mga mamamayan sa Egypt na mamuhay ng tahimik, simple at payapa sa kabila ng mabilis na paglago at pag-unlad ng kabihasnan at ekonomiya ng bansa. Ito ay nagpapahayag ng kanilang malaking pagpapahalaga sa buhay dahil mas gugustuhin nilang mamuhay ng simple at payak kaysa sa makipagsabayan sa modernisasyon ng lugar na maaari din namang magbago o mawala sa kalaunan.