Sagot :
EKWADOR (EQUATOR)
Ang Ekwador ay isang kathang-isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng planeta. Isa sa mga bahagi ng globo na humahati sa nasabing bagay sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Hinahati ng Ekwador ang planeta sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero.
Mga Katangian Ng Ekwador
- Ang latitud ng Ekwador ay, sa kahulugan, 0°.
- Ang haba ng Ekwador ay 40,075 km, o 24,901 milya sa buong daigdig.
- Sa lahat ng latitud, ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat.
- Ang Ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kaya ito ang pinakamainit na panig ng daigdig.
Katulad ng Ekwador
Ang mga sumusunod ay ang ilan pang bahagi ng globo:
- Latitud
- Longhitud
- Punong Meridyano
- Internasyunal na Guhit ng Petsa
- Parilya
- Hilagang Hating Globo
- Timog Hating Globo
Latitud (Latitude)
Ang Latitud ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng Ekwador. Ang mga guhit na ito ay mula sa kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga papuntang timog mula sa Ekwador.
Halimbawa ng tulong sa pagsukat ng isang bansa gamit ang latitud, tingnan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1602630.
Longhitud (Longitude)
Ang Longhitud ay ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
Halimbawa ng tulong sa pagsukat ng isang bansa gamit ang longtitud, tingnan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1602630.
Punong Meridyano (Prime Meridean/Greenwich)
Ito ay matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Naglalagos ito sa Greenwich, South Villa Catalunan Grande
Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line)
Ito ay matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa sa kalendaryo at sa oras.
Parilya (Grid)
Ito ay nabubuo sa pinagsama-sama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
Hilagang Hating Globo (Northern Hemisphere)
Ito ang itaas na bahagi ng Ekwador.
Timog Hating Globo (Southern Hemisphere)
Ito ang ibabang bahagi ng Ekwador.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Hilaga at Timog Hating Globo at ang epekto nito, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/294740.