bakit kulay itim ang uwak


Sagot :

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinigNang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.."Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa."Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati. "Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una, tingnan mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa, alamin mo rin kung maaari na tayong bumaba sa lupa."At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang nabangkay sa lupa. Napag-alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa, Pabalik nasana siya sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy parin sa pagkagat sa mga bangkay ng hayop.Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan. Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.Ang sabi ni Noah:
"Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan, katapatan at kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit ang kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang kanyang tinig ay mapapaos.
Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay naging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay "Uwak, uwak, uwak..."