Magsisilbing pananggalang ang mga kabundukan mula sa mga bagyong nabubuo sa karagatan. Tulad ng Pacific Ocean, dito nabubuo ang maraming bagyong kadalasang tumatama sa bansang Pilipinas, sa tulong ng mga kabundukan tulad na lang sa Cordillera, napoprotektahan nito ang lugar malapit dito at pati na rin ang mga residente upang hindi ganung kalaki ang maging pinsala sa kanila.