Paano nakukuha ang sanhi at bunga

Sagot :

       Ang sanhi o cause sa wikang Ingles ay ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Karaniwan itong pinangungunahan ng salitang dahil, sapagkat at iba pang kauri nito.Ang bunga naman  ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Ito ay tinatawag na effect sa wikang Ingles.  Upang malaman ang sanhi, kailangan mong malaman kung bakit naganap ang isang pangyayari. Malalaman din ang bunga kung ito ay nagpapahayag o nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari.