kahulugan ng pag irog

Sagot :

Ang pag-irog ay nangangahulugan ng pagmamahal, pagsinta, pag-ibig, pagsuyo, at marami pang iba. Ang halimbawang pangungusap na makikita sa ibaba ay ginamitan ng salitang Pag-irog.

1. Ang pag-irog ko sayo ay hindi maglalaho kailanman.

2. Ang pag-irog na aking nararamdaman ay kailanman hindi mananakaw ninuman.

3. Iaalay ko sa iyo ang aking pag-irog na kailanma’y hindi mawawala sa aking puso.

https://brainly.ph/question/901390

https://brainly.ph/question/833740

https://brainly.ph/question/106051

Ang terminong pag-irog ay nangangahulugan ng malalim o makalumang salita para sa pag-ibig o pagmamahal. Ang pag-irog ay isang masidhi, personal na pagkagiliw. Ito ay aktibo sa pagmamalasakit sa isa. Irog ang tawag sa isa na iyong iniibig.

Halimbawang pangungusap:

1. Ang pag-irog ko sa iyo ang inspirasyon ko upang magsikap sa buhay.

2. Kinakain ako ng aking pag-irog sa iyo dahil ikaw ay malayo sa akin.

Paliwanag: Makikita sa dalawang pangungusap na ang pag-irog ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto.