Ang paggawa ng tula ay nakadepende sa pagiging malikhain ng manunulat at ganun na rin sa estado ng kanyang damdamin. Kapag inspirado ang manunulat, malamang na madali itong makaisip ng isusulat at kapag hindi naman ay tiyak na malaking problema iyan. Katulad nito, ang paggawa ng tula tungkol kay Impeng Negro ay magsisimula sa pagkikilala kung sino at ano si Impeng Negro at ang mga natatanging katangian nito upang makagawa o magkaroon ng ideya tungkol sa kanyang pagkatao. Kapag lubusan ng kilala ang paksa ng tula ay magiging madali na lamang ang paggawa nito.