Ang mga bansang ito ay sakop ng kontinente ng Asya. At hindi kataka-takang malaki ang populasyon
sa mga bansang ito dahil ang Asya isa sa mga pinakamatandang kabihasnan sa
daigdig. Bukod pa rito ay ang
heograpikong lokasyon ng mga bansa kung saan ay may malawak itong teritoryo ng
mga lupain. Idagdag rin sa salik ay ang
katamtamang antas ng klima sa mga bansang ito.
At hindi rin maikakailang may angking yamang-lupa ang mga bansang ito.
Wala ring naiulat na matinding salot sa mga bansang ito kung ihahambing sa
Europa na nagkaroon ng mga matitinding salot tulad ng trankaso-espanyol. Sa mga bansang Asya din naiuulat ang mga
taong sentenaryo o mga taong may mahahabang buhay.
Sa paglipas ng panahon, hindi pinagtutuunan ng pansin ang
bilang ng populasyon sa mga bansang ito. Ang mga batas ay hindi masyadong
naipatutupad. Sa katunayan, dito sa
Pilipinas, hanggang ngayon ay hindi naisasagawa ang aprobadong batas sa
pagkontrol ng populasyon.