Sagot :
Kasipan
Kaisipan ang ideya, konsepto, pananaw. o ideolohiya na nakapaloob sa isang pangungusap, talata, o akda. Naglalarawan ng mga nais ibahagi ng isang tao ukol sa isang paksa. Mga bagay - bagay na masasabi tungkol sa paksang pinag-uusapan. Ang ideya na gustong ipahiwatig ng may - akda. Minsan, nakabatay sa relihiyon, politika, o sa siyensya.
2 Uri ng Kaisipan:
- pangunahin
- pantulong
Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa mga nais sabihin at ipaunawa ng sumusulat tungkol sa paksa. Ito ay maaaring nasa unahan o huling bahagi ng talata.
Ang pantulong na kaisipan ang nagbibigay - linaw sa pangunahing kaisipan upang maunawaan ito nang lubos. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mamababasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Ito ay maaaring petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, at istatistika.
Halimbawa:
Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan.
Pangunahing Kaisipan: Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C.
Pantulong na Kaisipan: Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan.
Ano ang kaisipan: https://brainly.ph/question/2113339
Ano ang pangunahin at pantulong na kaisipan: https://brainly.ph/question/1208837
#LearnWithBrainly