Sagot :
Si Solomon ang naging hari ng Israel.Anak siya ng dating haring David. Minahal niya ang Diyos. Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon. Siya ay isang mabuti at matalinong hari. Ang mga katangiang ito ay hiniling niya sa Diyos. Gusto ng Diyos na pagpalain si Solomon. Si Solomon ang naging pinakamatalinong lalaki sa mundo. Ang mga tao ay nanggagaling pa sa ibang mga lupain upang magtanong sa kanya. Sila ay binigyan nila ng matatalinong kasagutan. Ang mga hari at reyna ay pumupunta upang siya ay makita. Siya ay dinadalhan nila ng magagandang handog. Nasubukan ang katalinuhan ni Haring Solomon.
Nagpupunta ang mga taong humihingi ng tulong sa kanya lalo na ang mga Israelita. Isang araw ay dalawang babae ang nagpunta sa kanya na may dalang sanggol na lalaki. Pinag-aagawan nila ang sanggol. Kaya hiniling nila kay Solomon na kanino dapat mapupunta ang bata.
Ayon sa bibliya marami ang mga naging asawa si Haring Solomon. Ang isang taga Israelita ay hindi pwedeng mag-asawa ng tulad niya. Una bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Ammonita, Edomita, Sidoneo at Heteo. May 700 asawa si Solomon na puro mga prinsesa, at may 300 pa siyang asawang alipin.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
https://brainly.ph/question/482903
https://brainly.ph/question/515044
#LetsStudy