Tuntunin ng isang huwarang kabataan sa daigdig

Sagot :

Ang isang huwarang kabataang  sa daigdig ay may tuntuning maging isang makaDiyos, mapagmalasakit sa kapwa at lipunan at maging magalang at marespeto sa mga nakatatanda at sa lahat ng karapatan ng iba. Ang isang huwarang bata ay hindi lamang matalino sa mga pang-akademikong aspeto dapat marunong din itong makisama, makisalamuha at magmalasakit sa kapwa at sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Higit sa lahat dapat magkaroon ito ng taos-pusong paniniwala at pananampalataya sa Diyos dahil ang matatag na pananampalataya sa Diyos ang siyang magbibigay patnubay sa kung anuman ang desisyon aktuwasyon ng isang batang huwaran.